Matchbox Maladies

Catastrophic uncertainty of the self.

Month: March, 2014

by Sine Qua Non

kapag ako’y naguguluhan, naglalabas ako ng papel at bumubuo ng listahan

ng lahat ng mga bagay na bumabagabag sa akin.

halimbawa: ang hilera ng mga sapatos na iniwan ng mga paang nagmamadaling unahan ang hatinggabi sa kama, ang balumbon ng mga damit na bitbit ang amoy ng mga usapang sinawsaw sa kape at binalot ng usok, mga salansan ng librong nagkalat sa bawat sulok at lilim ng kuwarto – bakas ng mga bagay na hindi kayang tapusin, ayaw tapusin, at hindi na siguro matatapos

tulad ng listahang ito

hindi na nalayo sa listahan noong nakaraang buwan, umulit noong nakaraang linggo, at malamang ay mabubuo ulit sa darating na mga araw

ang mga bumabagabag sa akin ay lulubog, lilitaw, lilisan, madaragdagan, makakalimutan, hahawakan, bibitawan, hahanapin, aalalahanin, tatandaan–

para may listahang bubuuing muli at ipapakita sa iyo, puno’t dulo ng lahat ng gulo.

tagabusisi ng mga bagay na naglalaro sa isip ko: pumupulot ng sapatos, nagtutupi ng damit, nagbubuklat ng libro. tagapunit ng mga listahang pinakatago-tago ko.

at kapag hindi ko na maisip ang mga bagay na bumabagabag sa akin, kapag hindi ko na maintindihan kung ako ba’y panatag o naguguluhan, ibinabaling ko ang mga tanong sa mga mata mong ayaw gumanti ng sagot. sa mga mata mong nakaukit ang ‘okay lang.’ sa titig na ayaw kumilala ng gusot. pagbaling na walang katuturan

at muli akong maguguluhan at bubuo ng listahan ng mga bagay na natatandaan ko na lang at hindi na nakikita,

kapag ako’y naguguluhan inaaalala kita. at kung paano mo isa-isang itinuwid ang mga baluktot para hindi na ako maglista sa kama.

minsan hindi ako makapaniwalang wala na akong hawak na listahan. Natatandaan ko, oo, pero ikaw, nilunok mo. At araw-araw mong bitbit sa bituka mo ang mga bagay na bumabagabag sakin, ngayon

 

Dear 2014

by Sine Qua Non

You crept up on me like a mist on a valley waking up to another morning. I knew you were coming I just somehow wasn’t paying attention. The next thing I know, the morning’s all warm and yellow and you’ve taken away last night with you. I missed something, I know.

 

Or I thought so. Where I am, the blades of grass remain still in the limbo between awake and unconscious. And the chill of the wind cuts through. It feels as if dawn will never come.